Z Gorres Balik Pilipinas Tapos ng Valentines

Z "The Dream" Gorres

Z "The Dream" Gorres Suporta sa Pinoy Power 3

Halos 2 buwan na nahospital ang kilalang pinoy na boksingero na si ZC Oliveros “the Dream” Gorres at sa wakas ay makakabalik na siyang muli sa Pilipinas at ito ay inaasahang pagkatapos ng Valentines Day. Tatapusin niya muna ang Pinoy Power 3 na gaganapin sa ika-13 ng Pebrero sa Las Vegas bago umuwi ng bansa.

Kung maalala niyo si Z Gorres ay naratay sa ospital pagkatapos ng 10-round na laban niya kay Luis Melendez noong Nobyembre. Kung hindi sana nangyari ang hindi inaasahang insidente na ito ay isa sana si Gorres sa lalaban sa ikatlong Pinoy Power.

Manonood si Z Gorres malapit sa ring side ng mga pinoy na boksingero na lalaban sa mga Latino bilang pagsuporta sa mga ‘to. “Good luck talaga, good luck sa kanila. Dapat hindi magkumpiyansa at panalangin sa Panginoon,” sabi niya kay Bev Llorente ng ABS-CBN North America News Bureau.

Maraming mga pinoy ang nagbahagi ng kanilang tulong kay Gorres at nakalikom ng halos $8,000 bilang tulong sa kanya.

About the Author