Wesley So Sumabak sa Corus Chess 2010

Ang sikat na batang pinoy na manlalaro ng ahedres o chess na si Wesley So ay sumabak na naman sa isa sa mga prestihiyosong palaro.

GM Wesley So, 16 y.o.

GM Wesley So, 16 y.o.

Naqualify siya na pumasok at maging isa sa mga kalahok ng Corus Chess 2010 na kung saan marami sa mga popular na chess grandmasters ang kasali pagkatapos na siya ay magpakitang gilas noong nakaraang World Cup Chess 2009. Ang nasabing chess tournament ay nagsimula noong ika-15 ng Enero at magtatapos sa ika-31 ng Enero.

Ginaganap ang taunang chess tournament na ito sa bansang Wijk aan Ze, Netherlands at may talong ibat-ibang kategorya. Si So ay naglalaro ngayon sa category-B at maaring umusog sa category-A sa susunod na taon kung sakaling makuha niya ang unang puwesto sa nasabing palaro.

Sa kasalukuyan ay nasa ika-siyam na round na si So na may puntos na 5.5 (7 draws, 2 wins at wala pang talo) at nasa ika-apat na puwesto kapantay ni GM Naiditsch. Inaasahan ng marami na patuloy pang mamayagpag ang batang pinoy na kampeon at kukuha pa ng puntos upang maangat ang kasalukuyang puwesto.