Viloria Talo Kay Tamara, 3 Pinoy Wagi

Tamara Naagaw ang Korona

Tamara Naagaw ang Korona Kay Viloria

Kahapon ay natapos ang umaatikabong bakbakan sa pagitan ng Filipino-American na boksingero na si Brian Viloria at ni Carlos Tamara ng Colombia. Naagaw ni Tamara ang korona mula kay Viloria pagkatapos na itigil ni Referee Bruce McTravish ang laban ng 1:45 ng 12th round.

Sa paguumpisa ng laban ay kitang-kita ang lamang ni Viloria hanggang sa ikapitong round subalit ng nauubusan na siya ng hangin sa naiwang round at doon bumanat ng husto ang bagong kampeon. Hanggang sa ika-12 round nga ay hindi na nakuhang dumepensa si Viloria kung kaya’t itinigil na lamang ng referee.

Sa kabila ng kabiguaan ng Pilipinas sa labang ito ay tatlo sa mga pinoy ang nagwagi. Sila sina, Donnie “Ahas” Nietes na lumaban kay Jesus “Negrito” Silvestre, Jimrex Jaca na tinalo ang Indonesian na boksingero na si Ramadhan Weriu at si Jason Pagara na lumaban kay Eddy Comaro ng Indonesian rin at nanalo sa majority decision.

Samantala may isa pang pinoy boxer ang nagpakitang gilas sa kaganapan ding yon sa kaunaunahan niyang salang sa professional boxing. Siya si Dodie Boy Peñalosa Jr., ang anak ng dating kampeon na kapareha ng kanyang pangalan.