
Viloria vs Tamara - Ang Opisyal na Weigh-in
Ngayon ang araw na itinakda ng paglalaban ng pinoy na kampeon na si Brian “The Hawaiian Punch” Viloria at ng challenger na si Carlos Tamara ng Colombia. Parehong pasado sa itinakdang timba ang dalawa matapos na sila ay isalang sa opisyal na weigh-in kahapon ng umaga sa Manila Hotel.
Sa labang ito ay nakataya ang IBF (International Boxing Federation) light flyweight crown ng pinoy laban sa Olympian na manlalaro na taga-Colombia. Ang laban ay tinaguriang Collission Course na gaganapin ngayonng araw sa Cuneta Astrodome sa lungsod ng Pasay.
Samantala ang WBO minimum weight champion na si Donnie “Ahas” Nietes at Mexican Jesus Silvestre ay maglalaban para sa undercard match ng kaganapan.
Ng timbangin sila kahapon ay tumimbang si Viloria ng 108 lbs samantalang sumobra ng bahagya ang kay Tamara kung kaya’t napilitan ang huli na mag-jogging at magpapawis muna sa labas ng Manila Hotel upang pumasok ang kanyang timbang sa limit. Kanya namang nagawa ito sa kanyang pagbalik.
Inaasahang magandang bakbakan ang mangyayaring Viloria vs Tamara na paghaharap sa kadahilanang alam ng marami na ang matangkad at batang si Tamara ay gutom sa world title at talagang sumalang sa matinding pagsasanay.
Kahit si Viloria ay naniniwala na ang labanan nila ay maaring umabot hanggang 12 rounds.