Unang Ginto ng Pilipinas Nakamit sa Taekwondo

Camillie Alarilla, Janice Lagman at Rani Ortega ng Team Pilipinas

Camillie Alarilla, Janice Lagman at Rani Ortega ng Team Pilipinas sa Taekwondo

Ang mga pinay na sina Janice Lagman, Rani Ann Ortega at Camille Alarilla ay namayagpag sa larangan ng Taekwondo upang magbigay ng unang ginto sa Pilipinas sa kasalukuyang ika-25 SEA Games na ginanap sa National University’s Booyung Gymnasium sa Laos. Si Lagman ay 22-taong gulang na Nars, si Ortega ay 23-taong-gulang sports science graduate, at si Alarilla ay 22-taong gulang na nagtapos sa ekonomiya.

Ang mga Pinoy ay nagtala ng iskor na 8.37 sa keumgang at 8.60 sa pyongwon para sa isang total ng 16.97. Kokonti lamang ang lamang nila sa mga Thais, na kung saan ay nakakuha ng 16.94 (8.37 at 8.57) na puntos. Ang pinapaboran Vietnamese naman ay umani lamang ng tanso at may iskor na 16.87.

Samantalang ang ibang mga miyembro ng koponan ng taekwondo ng Team Pilipinas na sina Marlon Avenido, Alexander Briones, Criselda Roxas at Kirstie Elaine Alora ay lalaban din ngayong araw ng Huwebes.

Update: Karagdagang dalawang ginto ang nadagdag sa Team Pilipinas ng manalo si Mary Antoinette laban sa Vietnam sa welterweight class at si Alexander Briones naman ay nanalo laban sa taga-Cambodia sa heavyweight class. Mabuhay kayo!

About the Author