Ngumingiting Pacquiao Habang Nasa Training (Larawan Mula sa Viva.com.ph)
Talaga namang sikat ang laban ng pinoy na boksingero na si Manny “Pacman” Pacquiao at ng Ghanna at Olympic boxer na si Joshua Clottey at sinasabi ngang nakapagtala ng bagong rekord sa kasaysayan ng boksing. Nakangiting sinabi ni Bob Arum sa mga media na ang ticket ng laban nila ay paubos na at kokonti na lamang ang naiiwan. Mahigit 30,000 tickets na ang nabenta sa ngayon pa lamang at inaasahang mga higit kumulang 65,000 tickets ang maaring mabenta para sa laban kung magpapatuloy ang hatak nito sa mga boxing fans. Sinabi niya din na marami pa ang mga naghahangad na madagdagan ang sitting capacity ng laro. Kung matatandaan ang laban ay gaganapin sa daring na Marso atrese sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.
Ang mga latino fans daw ang siya pangunahing nag-uudyok kay Bob Arum na pagbigyan sila na mapanood ang bakbakang Pacquiao-Clottey.
Hanga si Bob Arum sa mga Pinoy na lalaban sa Pinoy Power III
Samantala naman ay bumisita si Bob Arum sa Wild Card Gym upang matunghayan ang puspusang paghahanda nina Bernabe Concepcion at Gerry Peñalosa na kasama sa laban sa darating na linggo sa Pinoy Power III sa Las Vegas bilang mga undercard fights ng labang Donaire vs. Guerrero. Sinabi niyang talagang hindi kapanipaniwala ang kakayanan ng mga Filipino subalit kitang-kita sa kanilang ginagawang training ang determinasyon na makamit ang karangalan sa kanilang darating na laban.
