Sikat na Pagkakamali ng mga Tagalog na Pinoy

Isa itong artikulo kung saan napansin ko ang isang pagkakamali ng tagalog ng pinoy sa pag bigkas ng isang sikat na sikat na pangalan ng isang companya. Kalimitan lagi na lamang mga bisaya ang napagtitirpan nilang asarin dahil sa mga mali pagbikas. Minsan pa nga eh lantaran pang pinapalabas iyon sa mga telebisyon. Siguro talgang trip lang nilang pagtawanan ang mga bisaya dahil sa maling pagbigkas nila ng mga salita. Subalit tama ba naman ipalabas pa iyon? at tila nasisiyahan pa silang isapubliko ang mga ganong pagkakamali? Bakit perpekto naba sila?

Nanay ko tagalog, tatay ko bisaya, 15 years akong sa Maynla dun na nga ako lumaki at 7 years ako dito sa bisaya. Para maging patas ang lahat may nais lang akong linawin at bigyang halaga. Ang mga tagalog laging sinusuyaan ang mga bisya sa mga mali sa knilang pagbigkas ng mga salita, Halimbawa ang O ginagawang U ang I ginagawan E at vice-versa. Ang mga salitang nagtatapos sa mga C-L-E binibigkas ng KOL at hindi KEL, tulad ng arti-KOL un-CLE at marami pang iba. Subalit malayo sa kanilang pag iisip na ang mga Nagtatawang tagalog na ito ay may pagkakamali din.

Hey Tagalog alam mo ba na ang sikat na sikat na Search Engine ay binabinibigkas mo ng mali? At itong kakawang bisaya ay siya ang tama sa pagbigkas? Ang salitang “Google” na halos parte na ng buhay ng mga Internet user, isang salitang sikat na nakakahiya man para sa mga insultador na lingid sa kanilang kaalaman ay mali ang kanilang pagbigkas.

Ang mga magagaling na tagalog ang bigkas dito ay Goo-GEL subalit ang mga Bisaya naman ay Goo-Gol. Ano ba ang tama? Una ay silipin natin ang konting detalye about Google.

“Ang Google ay salita mula sa Googol na ang ibig sabihin ay 1 na sinundan ng isang daan zero (10100). At dun kinuha ng dalawang founder ng Google ang pangalan ng kanilang kompanya.
Pag bigkas ng Google
Kaya nga hindi Goo-Gel kundi Goo-Gol OK?

Sino ang mga nagkamali?

Lumaki ako sa maynila mula nung unang manguna ang Google as a search engine Goo-gel na ang bigkas ng mga Pinoy (tagalog) dun Kahit ako noong una Googel ang bigkas ko dun subalit ng mangalap ako ng information ay nalaman ko ang tamang bigkas. Isinulat ko ito dahil gusto kong itama ang isang malaking pagkakamali ng Pinoy. Mali sila sa pagbigkas subalit ang mas malaking pagkakamali ay ang “Pagkutya nila sa mga Bisaya dahil sa kanilang pagbigkas.” Madaming nagkakamali dahil wala namang perpekto, sa mga telebisyon madami akong nanapanood na Googel ang pagbikas dun minsan nga isang mamamahayag pa ang napanood ko sa mali niyang pagbigkas ng Google. Mamamahayag iyon hah. Masscom graduate pero kahit na siya ay nagkakamali. Sikat sa Pinoy ang pagkakamaling ito, at nakakahiya dahil tinatawanan nila ang mga bisya sublit pati sila nagkakamali sa isang salitang sobrang sikat . Kakahiya! Kaya naman dito sa Sikat ang Pinoy gusto naming mawasto ang iyong pagkakamali.