
Parokya ni Edgar
Maraming mga bandang Pinoy ngayon sa Pilipinas. Bawat isa ay may angking talento na maipahayag ang kanilang sining sa iba’t-ibang paraan ng pag-awit at pagsulat ng mga kanta. Ililista ko dito ang mga pangalan at mga ilang impormasyon tungkol sa mga bandang ito.
- Bamboo – isang Filipino alternatibong banda na itinatag noong 2003 nina Francisco “Bamboo” Mañalac, Ira Cruz, Nathan Azarcon at Vic Mercado. Ilan sa mga sikat nilang awitin ay ang Noypi, Hallelujah, Probinsiyana, Tatsulok at marami pang iba.
- Cueshe – bandang Pinoy na nagsimula sa Cebu City at binubuo nina Jay Justiniani, Ruben Caballero, Jovan Mabini, Fritz Labrado, Jhunjie Dosdos at Mike Manaloto. Ulan at Pasensya Na ay ilan sa kanilang mga awitin.
- Hale – Nagmula sa Maynila at binubuo nina Champ Lui Pio, Roll Martinez, Sheldon Gellada, at Paolo Santiago. Sila ang kumanta ng The Day You Said Goodnight at Bahay Kubo na kung saan ay kabilang sa kanilang bagong music album na may titulong Kundiman.
- Parokya ni Edgar – Nabuo noong 1993 na kung saan ay binubuoo ng mga mag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila High School. Ito ay kinabibilangan nina Erwin “Chito” Miranda, Jr., Teofila Lakandula, Derrick De Guzman, Abner Fernandez, Bajee De Lara at Mark Rosaria. Ang banda ay sikat sa mga kantang may kakaibang tema at ayos. Buloy, Inuman Na, Bagsakan at Mang Jose ay ilan lamang sa maraming mga awitin na pinasikat ng bandang ito.
Sa susunod na isyu ng Laganap.com ay ang ilan pa sa mga maraming bandang Pinoy na kinagigiliwan ng masang Pilipino. Kung nais ninyo matunghayan at marinig ang ilan sa mga awitin ng mga bandang ito, ang Laganap.com ay meron ng pahinang “Pinoy Video” na kung saan ay naglalaman ng iba’t-ibang video ng mga banda at mga mang-aawit sa Pilipinas.