Sikat ang Pinoy: Charice Pempengco

Charice Pempengco

Charice Pempengco

Isa sa pinakabatang pinoy na mang-aawit na ngayo’y sumisikat sa buong mundo ay si Charice Pempengco. Nakilala at nasilayan ang kanyang talento sa pag-aawit sa pamamagitan ng Youtube. Dito nagsimula ang lahat. Nang dahil sa video na nailagay sa Youtube ay naanyayahan si Charice sa mga palatuntunan nina Ellen DeGeneres and Oprah Winfrey. Ito ang nagbukas ng pinto sa kanya upang makilala sa buong mundo. Nang dahil din dito ay nabigyan siya ng pagkakataon na makasama sa pag-awit ang mga batid na banyagang mang-aawit na sina David Foster, Andrea Bocelli at Celine Dion. Ngayon ay meron na siyang international album na kung saan ay pumasok na sa top 10 ng iTunes.

Si Charice ay tubong San Pedro Laguna at unang nakilala ng mga nakakarami sa isang show ng ABS-CBN para sa mga batang mang-aawit . Mula sa palabas na ito kinuha ang mga video na kinalat sa Youtube at milyong manood, pinoy man o banyaga, ang humanga sa kakaibang kakayahan ng batang mang-aawit na ito.

Sa ngayon ay patuloy pa rin siya sa pagsikat at ilang beses na rin siyang nagkonsyerto sa Pilipinas.

Ang sumusunod na video feed ay ang pag-awit niya ng kanyang sumikat na awitin sa Amerika na “Note to God” sa isa sa mga konsyerto nya sa Pilipinas:

Talagang kahangahanga ka Charice!