Pinoy, Sino Ang Iboboto Mong Presidente?

Pinoy Presidentiables para sa Election 2010

Pinoy Presidentiables para sa Halalan 2010

Umpisa na ng 90 days na kampanya ng mga kandidato at bawat partido ay nag-uumpisa na ring magbatuhan ng kanya-kanyang putik at magpalaganap sa mga pinoy ng mga botante ng iba’t-ibang klase ng paraan upang makumbinsi ang mga pinoy na sila ang iboto. Meron sa mga kandidato na nagkaroon kaagad ng political rally. Meron namang naglibot na kaagad sa kalakhang Maynila at iba pang mga probinsiya. Meron namanng nagkaroon na lamang muna na ng press conference at ang isa ay lumahok sa student’s convention.

Bawat isa may kakaibang gimik para lamang maluklok sa kanilang puwestong ninanais. Ang katanungan ko ngayon ay sino kaya sa mga tumatakbong presidente ang iboboto mo? Meron akong ginawang poll / survey sa ilalim at ipahayag mo ang iyong ninanais sa pamamagitan ng pagpili sa gusto mong kandidato para sa pagka-presidente. Pwede ka ring mag-iwan ng kahit anong opinyon, feedback o komento tungkol sa mga tumatakbo.

Mga pinoy, ipahayag natin ang ating damdamin at ating ninais. Magmasid, maging matalino at bumoto sa ninanais ng puso mo.

About the Author