Pinoy Power 3 (Boksing)
Apat na namang mga pinoy na boksingero ang sasabak sa ring upang itaguyod ang bandila ng bansa sa larangan ng boksing laban sa mga manlalaro ng Puerto Rico at Mexico. Si “Filipino Flash” Nonito Donaire na kasalukuyang WBA superflyweight interim champion ay lalaban sa beteranong boksingerong mula sa Mexico na si Gerson Guerrero (kasalukuyang kampeon ng North American Boxing Federation). Samantala naman ang batikang si Gerry Penalosa (54-7-2, 36 KOs) ay lalaban kay Eric Morel (41-2, 21 KOs) ng Puerto Rico. Lalaban din si Bernabe Concepcion (27-3-1, 15 KOs) kay Mario Santiago (21-1-1, 14 KOs) ng Puerto Rico at si WBO Oriental super bantamweight champion Ciso Morales laban sa WBO bantamweight champion Fernando Montiel.
Ang Pinoy Power III ay gaganapin sa Las Vegas sa ika-13 ng Pebrero ng 2010 at mapapanood dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng channel na ABS-CBN. Ngayon ay naguumpisa na sa training ang mga pinoy na boksingero bilang paghahanda sa nalalapit na laban. Siguradong umaatikabong bakbakan na naman ito at siguradong mamayagpag ang mga Pinoy dito.