ABS-CBN COO Charo Santos – Concio
Ang Philippine Association of Communication Educators Foundation (PACE) at ABS-CBN Broadcasting Corporation ay nagsamang muli upang ganapin ang ika-5 Pinoy Media Congress sa Pilipinas na may tema patungkol sa politika, media at pagkamamamayan. Ang nasabing kaganapan ay mangyayari mula sa ika-4 hanggang ika-6 ng Pebrero ngayong taon sa Bulwagang Balagtas, NALLRC Bldg., Polytechnic University of the Philippines, Sta. Mesa, Manila.
Ang tema ng Pinoy Media Congress ay masasabing napapanahon lalo na ay pumapasok na ang bawat pinoy sa panahon ng halalan. Mas tutok ang paksa sa politika, relasyon at responsibilidad ng kabataang pinoy ngayon sa nalalapit na eleksyon 2010.
Maliban sa top executives ng ABS-CBN na pinangungunahan ng Chairman at CEO na si Gabby Lopez, Presidente at COO na si Charo Santos – Concio, Head of News and Current Affairs at ANC na si Maria Ressa, mga kilalang mamamahayag, TV at movie personalities, ang PACE ay nanganyaya ng iba pang bihasa sa pananaliksik, pelikula, advertising at pamamahayag mula sa mga unibersidad at iba pang organisasyon ng media upang magbigay ng lecture at talakayan.
Ang Pinoy Media Congress ay nanalo ng Award of Excellence mula sa Philippine Quill Awards at Award of Excellence mula naman sa Anvil Awards noong 2008.
