Pinoy Big Brother Double Up Magtatapos Na Ngayong Gabi

PBB Double Up ng ABS-CBN

Pinoy Big Brother Double Up ng ABS-CBN

Oo mga kababayan ang sikat na pinoy reality shows sa ABS-CBN ay magtatapos na ngayong gabi. Sa pagbubukas ng liwayway sa araw ng mga puso at Chinese New Year ay meron ng magigising sa labas ng bahay ni “kuya” na tatanghaling “big winner” sa PPB Double up. Ngayong gabi na ipahahayag ng PBB kung sino sa limang natirang kalahok na sina Jason, Johan, Tibo, Paul Jake at Melisa ang ihihirang na big winner. Mapapanood ng live ang nasabing pagtatapos sa Ninoy Aquino Stadium sa ganap na alas-9 ng gabi.

Bago ang kaganapang ito ay nagkaroon ang natirang lima ng isang mini-concert bilang pagsasaya nila na mapabilang sa “big 5″ at pagbabalita na kuya na silang lahat ay panalo na.  Ang nasabing konsiyerto ay tinaguriang “The Big High 5 Concert.” Kung hindi niyo pa napanood ang nasabing konsiyerto, eto ang ilang mga video footage:

Ngayon, kung gusto mong mapanood ang PBB Double Big Night nang live, pumunta ka lang dito sa website ng ABS-CBN.