
Ika-25 SEA Games
Ang mga Pilipinong atleta ay lumipad na papuntang Vientiane, Laos para sa ika-25 Southeast Asian games na gaganapin mula ika-9 ng Disyembre hanggang ika-18 ng taon. Halos 253 mga atleta ang binubuo ng koponan ng bansa at naglalayong makakamit ng mahigit 15 ginto at higitan ang nakaraang rekord ng bansa noong 2007 na SEA games. Kung inyong matatandaan ay maituturing na pinakamasamang rekord ng bansa ang nakaraang palaro na kung saan ay pang-anim lamang ang bansa at halos bronse lamang ang nakuhang medalya ng ating mga atleta.
Subalit ang pamahaalan ay positibo ngayong taon na mababawi ang karangalan ng mga Pinoy sa larangan ng isports at kampanteng ang ating mga manlalaro ay hahakot ng ginto. Ilan sa mga inaasahang kategorya na maaring makakuha ng ginto ang bansa ay ang mga larong bilyar, athletics at swimming.
Mabuhay ang mga Pilipinong atleta!