Pinay Tumakbo ng 3,000 Milya sa US

Joy Rojas at Mat Macabe

Joy Rojas at Mat Macabe

Isang pinay na dating biktima ng tuberculosis ay tumakbo ng 3,000 milya na natapos nung nakaraang ika-23 ng Nobyembre. Ang kanyang pagtakbo na tinaguriang “Takbong Pangarap” ay naglalayong makakalap ng pondo para sa mga biktima ng tuberculosis at sakit sa puso. Maliban sa ganitong layunin ay naging magandang halimbawa ito sa maraming Pilipino sa buong bansa at nagbigay inspirasyon sa mga nakakarami na nakasaksi ng kaganapang ito.

Ang kanyang paglalakbay ay nagsimula sa Eagle Rock Plaza sa Los Angeles, California ng ika-10 ng Mayo at dumating siya sa New York City ng ika-23 ng November. Siya ay sinundo ng kanyang sponsor na Western Union, isang sa mga lider sa global na serbisyo sa pagbabayad. Sa kabila man ng hirap at balakid na nadaanan ni Rojas ay natapos nya ang hamong ito ng matagumpay.

Sa pagtakbo ni Joy Rojas at paglagpas niya sa hamong ito ay nagpapakita lamang kung gaano katatag at katibay ang pusong Pinoy, kahit saan, kahit kailanman.