
Mellisa aka Melai - Pinoy Big Brother Double Up Big Winner
Panalo ang lola! Si Melissa aka Melai ay kilala sa pagiging kalog, masayahin, palaban at “love interest” ni Jason. Tinuring siyang big winner ng katatapos lamang na Pinoy Big Brother Double Up. Nanalo siya at nagkaroon ng mahigit kumulang isang milyong boto mula sa mga tumangkilik ng nasabing reality show.
Pumangalawa lamang sa kanya si Paul Jake na merong sinundan naman ni Jason na nagkaroon ng 24.97% na boto.
Samantala ang ika-apat naman ay si Johan na nakakuha ng 7.94% at ang panglima ay si Tibo na nakakuha ng 7.64%.
Bukas ay matutunghayan ang lahat ng mga kalahok sa Pinoy Big Brother Double Up sa isang malaking paghahanda na kung saan ay magre-reunion ang lahat ng miyembro ng bagong grupo na’to ng PBB.
Congratulations sa’yo Melai at sana ay magtagumpay ka pa sa iyong tatahakin. Pasikatin mo ang Pilipinas at maging sikat ang pinoy!