
Pacquiao vs. Mayweather Hindi na Tuloy!
Sa kabila ng pananabik ng mga boxing fans sa buong mundo para sa labang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. ay mauudlot yata ang inaabangang laban ng dalawa na unang ipinahayag na sa ika-13 ng Marso 2010 gaganapin. Ito ay sa kadahilanang hindi nagkasundo ang dalawang kampo sa paraan ng pagkuha ng drug test. Nais ng kampo ni Mayweather na gamitin ang mas strikto na pamamaraan ng WADA (World Anti-Doping Agency) sa drug test. Ito ay hindi pangkarinawang ginagawa sa mga kaganapan sa professional boxing at ito ay tinutulan ng kampo ni Pacquiao. Naniniwala siya na maaring manghina siya sa laban kung saka-sakaling ganapin ang test bago ang laban. Subalit pumayag siya na gawin ito tatlumpung araw bago ang away at pagkatapos ng away. Subalit hindi ito ang gustong kasunduan nina Mayweather. May mga paratang kasi ang kampo nila na maaring gumagamit si Pacquiao ng performance-enhancing drugs kung kaya na-abot niya ang kanyang pinaparoonan.
Dahil sa ganitong mga paratang ay nagpaplano na sina Pacman na kasuhan ng libelo ang kampo ni Mayweather pati na ang Golden Boy Promotions. Dahil nga hindi na tuloy ang laban nila, si Bob Arum ay nakikipagusap na sa kampo nina Paulie Malignaggi upang pumalit kay Mayweather.
Samantala, ito ang report ng ABS-CBN na naglalaman ng reakson ng People’s Champ tungkol sa pangyayari sa labang ito: