
Pacquiao sa Texas (AP)
Hindi na makikisabay ang amerikanong boksingero na si Floyd Mayweather Jr. sa araw ng laban ni Manny Pacquiao sa darating na Marso. Ito ay matapos na katigan ng HBO PPV ang labang Pacquiao-Clottey kaysa sa kay Mayweather na hanggang ngayon ay wala pang napipiling katunggali. Kung matatandaan ay hindi na natuloy ang bakbakang Mayweather-Pacquiao dahil sa hindi pagkakasundo ng dalawang kampo sa paraan ng drug testing.
Napabalita din na maaring ilaban si Mayweather kay “Sugar” Shane Mosley sa Mayo uno, na kung saan ay lalaban sana kay Andre Berto sa ika-30 ng Enero subalit hindi rin natuloy dahil sa pag-atras ng kanyang katunggali.
Sa pagkapanalo ng kampo ni Pacman sa karapatan para sa HBO coverage ay nagpapatunay lamang kung gaano kasikat ang pinoy na boksingero na’to. Ang Pacquiao vs Clottey “The Event” na laban ay gaganapin sa ika-13 ng Marso sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas. Ito ang kauna-unahang world title fight na mangyayari sa kasaysayan ng pangunahing US sports stadium. Inaasahang mahigit 4,000 na manood ang tutunghay sa nalalapit na bakbakan.
It’s okay if Pacquiao’s fight with Mayweather can’t go on,because this year pacquiao will have a big battle with Clottey.
Good Luck Pacman…