Pacquiao – Clottey PressCon sa Texas

Pacquiao sa Press Conference sa Texas

Pacquiao sa Press Conference sa Cowboys Stadium, Texas

“Para akong football player,” sambit ng pinoy na kampeon ng boksing na si Manny Pacquiao kahapon sa press conference sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas para sa nalalapit na laban niya kay Joshua Clottey. Ito ang kanyang pambungad na panalita sa nasabing presscon na nagdulot ng ngiti at halakhak sa mga manonood. Ang nasabing kaganapan ay hudyat ng umpisa nang promosyon ng laban na inaasahang gaganapin sa naturang lugar ding yun sa darating na ika-13 ng Marso ngayong taon.

Kanya ring binigyang puri ang kanyang makakalaban at sinabi sa mga manonood na talagang puspusan ang kanyang training dahil inaasahan ng kampo nila na mahirap at malaki ang kanyang makakalaban.

Samantalang si Clottey naman ay nagsabi na alam niya kung anong klaseng kalaban si Pacquaio at kanya ring inamin na ang pound for pound king ay isa sa mga boksingero na gusto nya ang istilo sa pakikipagbakbakan.

Kung gusto niyong mapanood ang nasabing press conference, tunghayan ang sumusunod na video na mula sa Youtube: