Opisyal na Kampanya Para sa Eleksyon 2010 Umpisa Na

by Sikat ang Pinoy on February 8, 2010

Pinoy Election 2010

Pinoy Election 2010

Umpisa na ng malawakang kampanya bukas ng mga politiko para sa pambansang eleksyon sa darating na Mayo ngayong taon. Isa’t isa ng nag-uumpisang ihanda ang iba’t-ibang kagamitan mula sa brochure, streamer at mga pins na ipamamahagi sa mga taga-suporta ng mga kandidato.

Bago ang ganitong kaganapan ay nagkaroon ngayong araw ng “Inquirer First Edition: Presidential Debates” sa UP Diliman na kinalalahukan ng mga kandidato sa pagka-pangulo maliban lamang kay dating pangulong “Erap” Estrada.

Kasbay din nito ngayong araw ay nag-umpisa ng mag-imprinta ang COMELEC ng mga balota na gagamitin nila sa pagsasanay sa mga kawani ng pamahalaan at mga guro para sa darating na botohan. Nagpalabas din sila ng paalala at babala sa mga tatakbo na babantayan nila ang mga gagastusin ng mga kakandidato at kanila ding inihayag na lilimitahan na ang mga “political campaign ads” ng mga kandidato sa pag-uumpisa ng opisyal na kampanya.

Bawat isa sa mga politiko ay may mga gimik na gagawin upang makahatak ng mga pinoy na maglalagak sa kanila sa puwesto. Nawa’y maging matalino sana ang mga pinoy sa pagpili ng mga taong huhubog sa kanilang kinabukasan.

Leave a Comment

Previous post:

Next post:

Laganap.com © 2009-2010  Wednesday 10th of March 2010