Muelmar Magallanes – Bayaning Pinoy

Muelmar Magallanes

Muelmar Magallanes

Marahil ay hindi ninyo kilala si Muelmar Magallanes. Subalit marami ang humanga at nagpasalamat sa 18 anyos na manggagawang pinoy na ito. Lalo na ang mga taong nailigtas niya ng panahon ng unos ng tumama ang bagyong Ondoy sa Pilipinas. Isa siya sa sampung hinirang na bayani ng Time Magazine dahil sa kanyang walang pag-iimbot na pagtulong sa kanyang kapwa kahit na ang naging katumbas ay kanyang sariling buhay.

Alam nyo ba na mahigit sa tatlumpong katao ang kanyang nailigtas ng panahon na binaha ang Barangay Bagong Silangan sa Quezon City? Nailigtas niya ang kanyang mga kamag-anak at ilan sa kanyang mga kapitbahay sa pamamagitan ng pabalik-balik na paglangoy hanggang sa siya ay napagod at hindi na nakuha pang lumangoy at ma-anod ng baha. Namatay si Muelmar na bayani at ang kanyang kabayinahan ay hindi mawawaksi kahit kailanman.

Makikilala mo nga naman ang tunay na bayani sa panahon ng kagipitan at si Muelmar ay isa sa mga Filipinong may bukod tanging may busilak na kalooban na handang mamatay para sa kapakanan ng iba. Ikaw kaya mo kayang gawin ito para sa bayan?