Monumento ng Dating Presidente Cory Aquino Masisilayan na!

Cory Aquino

Corazon "Cory" Aquino

Ngayong araw, kasabay ng ika-77 kaarawan ng yumaong presidente na si Cory Aquino ay masisilayan na ang kanyang monumento sa corner ng P. Burgos Drive and Roxas Blvd. sa Maynila. Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagpapasinaya ng nasabing simbolo ng kontribusyon ng yumaong presidente sa demokrasya ng Pilipinas. Kung matatandaan ay si Cory ang kaunaunahang naging presidenteng babae ng bansa at humamon sa dating diktador na si Marcos upang mabawi ang kalayaan ng Pilipinas.

Ang nasabing monumento ay naglalarawan ng paglaban ni Cory sa panahon ng batas militar. Makikita ang popular niyang Laban sign at ang 1987 constitution na kanyang sinimulan pagkatapos siyang ihirang na pangulo ng bansa.

Corazon "Cory" Aquino Memorial Shrine

Corazon "Cory" Aquino Memorial Shrine - Imahe mula sa Inquirer.net

Si Eduardo Castrillo ang iskultor ng nasabing “memorial shrine” at si Manila Mayor Alfredo Lim ang personal na gumastos upang maisakatuparan ang paggawa ng nasabing monumento. Nabalita din na maaring gawing bayani ng bansa si Cory Aquino.