Kung babalikan natin ang mga kaganapan noong 2009, makikita mo kung gaano kagaling ang mga pinoy! Pinatunayan sa buong mundo ng mga pinoy talent na kaya nating makipagsabayan sa international scene. Ito ang nilalaman ng report ni Ginger Conejero sa TV Patrol World noong nakaraang Martes, Disyembre 29, 2009. Kanyang binigyang pugay ang mga natatanging pinoy talents na nagkaroon ng magandang kinang noong nakaraang taong 2009. Kabilang dito sina Arnel Pineda ng Journey, Apple De Ap ng Black Eyed Peas, Charice Pempengco, Direk Brillante Mendoza, Angel Locsin at iba pang mga talents ng ABS-CBN.
Nang mapanood ko ang pagsaludo ng report na’to sa lahing Pilipino, gumawa din ako ng video sa Youtube na naglalaman ng mga pinoy na maituturing kong bayani at nagbigay karangalan sa bansang Pilipinas. Ginamit ko sa video ang ilang bahagi ng awitin ni Sam Milby at Toni Gonzaga na “Sikat ang Pinoy” upang maging background music ng sumusunod na Youtube video: