
Sikat na Pinoy na Bilanggo sa "This Is It" na Sayaw
Ang yumaong pop idol na si Michael Jackson ang naging inspirasyon ng mga pinoy na bilanggo sa Cebu Provincial Detention And Rehabilitation Center (CPDRC) upang maisakatuparan ang sayaw na “Thriller” noong 2007 na naging sikat at lumaganap sa buong mundo. Sinasabi na napanood daw ito ni MJ noong nag-rerehearse sila para sa concert nito na “This Is It,” ito ay ayon kay Travis Payne na choreographer ng sikat na mangaawit.
Ito ang naging dahilan kung bakit kinausap ni Payne kamakailan lamang ang governor ng Cebu na si Gov. Gwendolyn Garcia at humingi ng permiso na bisitain ang mga nasabing mga bilanggo. Sa kanyang pagbisita noon nakaraang ika-17 at ika-18 ng Enero ay tinuruan nya ng mga routines sa sayaw mula sa pamosong pelikula na “This Is It” ni Jackson.
Ang nasabing sayaw ay sinasabing pinakahuling pagsasama ni Payne at ni Jackson bago yumao ang huli.
Kung nais niyong mapanood ang nasabing sayaw ay tunghayan niyo ang nasabing video mula sa Yahoo pagkatapos ng linyang ito: