Mayweather Kinasuhan ni Pacquiao – Wala ng Laban?

 

Pacquiao vs. Mayweather Isyu

Si Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao ay maglalaban hindi sa ring kung hindi sa korte pagkatapos na kasuhan ng huli ang kampo ni Mayweather sa hukuman ng Las Vegas kaugnay ng isyu tungkol sa pasaring na ipinalalabas na gumagamit ng droga si Pacquiao para gumanda ang kanyang laban. Kasama sa kanyang $75,000 na habla sina Floyd Mayweather Sr.  (tatay ni Floyd Jr.) at tito nya na si Roger Mayweather. Nagsimula ang ganitong kaguluhan sa negosasyon sa labang Pacquiao vs. Mayweather ang pagdedemand ng kampo ng huli sa isang istriktong pagkuha ng drug test at mga komento sa mga interview ng mga nahabla. Dahil dito ay nagalit ng husto si Manny Pacquiao na ang kasikatan ay nagmula sa malinis niyang pagkuha ng tatlong titulo. Kahit si Bob Arum na nag-umpisa ng negosasyon ng laban ay naniniwalang hindi na talaga matutuloy ang laban ngayon ika-13 ng Marso. 

Bilang isang pinoy at nanabik sa labang Pacquiao at Mayweather, ako ay pumapanig sa desisyon ni Pacquiao. Dapat ay proteksyonan niya ang kanyang karangalan na kay tagal din niyang iningatan at pinagsikapan. Ang kanyang narating ngayon ay bunga ng kanyang paghihirap at hindi dapat masira ng pasaring o iresponsableng akusasyon na tulad na ito. Ang masasabi ko lang sa mga Mayweather, “Buti nga!” – mula sa Sikat ang Pinoy.