Mayweather Gustong Labanan Pa Rin Si Pacquiao

Pacquiao vs. Mayweather

Pacquiao vs Mayweather Tapos na!

Sa kabila ng pagpapahay ng Top Promotions – ang promoter ni Manny Pacquiao na ilalaban na si Pacquiao kay Joshua Clottey sa darating na ika-13 ng Marso ngayong taon sa Dallas, nagpapahayag pa rin ang kampo ni Mayweather ng interest na labanan pa rin ang kampeon na pinoy sa boksing. Ito ay kahit na sinasabi na ni Bob Arum na wala na talagang pag-asang magkasundo ang dalawang kampo upang ipagpatuloy ang laban. Iginigiit ng Golden Boy Promotions CEO na si Richard Schaefer na maaring natuloy ang laban kung ipinaalam lang daw kay Pacquiao ang kasunduan na 14 na araw bago ang laban ang hinihingi na lang ng kanilang kampo na gawin ang drug test na huling nabalita na 24 araw daw.

Sinabi pa rin ni Bob Arum na tumanggi daw si Pacquiao sa ganitong kasunduan at nakapag-moved on na sila kaya inayos na lamang nila ang away na Pacquiao-Clottey.

Kung matatandaan, unang nabalita na ipinapalabas ng kampo ni Mayweather na maaring gumagamit si Pacquiao ng performance-enhancing drugs (PED) upang manalo sa kanyang malaban. Kung saan ito ay matinding tinutulan ng boksingero at sa katotohanan nga ay hinabla niya ang mag-amang Mayweather sa Las Vegas, Nevada dahil sa akusasyon na’to.