
Pinoy Power 3: Donaire vs. Vargas
Handa na ang lahat para sa darating na Linggong bakbakan ng mga Pinoy at Latino sa Hilton Hotel Las Vegas, Nevada para sa Pinoy Power 3. Subalit malungkot na binalita ni Nonito Donaire Jr. sa press conference nila sa Las Vegas ang tungkol sa pagbabago sa kanyang makakalaban sa nasabing kaganapan. Hindi na si Gerson Guerrero ang kanyang makakalaban sa halil ay si Manuel Vargas. Ito ay dahil sa hindi pagpasa ni Guerrero sa eye exam bago ang laban. Dahil dito ay hindi siya pinayagang pumasok sa ring at pinalitan na laman ni Vargas.
Nalulungkot na nasambit ni Donaire na alam niya daw ang damdamin at sakit na nararamdaman ng kalaban. Alam niya kung gaano naghirap at nagsumikap ito sa kanyang training.
Samantala sa ganong ding pagkakataon ay masisilayan ang pormal na bihis ng ibang mga boksingero kabilang ang sariling atin na pinoy na boksingero na si Penalosa, Concepcion at Morales na pawang naka-amerikana.
“Handa siya, handa ako… Bugbugan na talaga,” sabi ni Peñalosa ng tinanong tungkol sa laban.
Ang Pinoy Power 3 na kilala din sa bansag na Latino Fury 13 ay magaganap sa darating na Linggo sa Pilipinas at mapapanood mula sa ABS-CBN 10:30 ng umaga.
Eto nga pala ang isa sa mga TV ads / promotions ng nasabing Pinoy Power 3:
Donaire will always be next to pacman.
by the way donaire can sung well than pacman and also wear fashion clothes better.
but both are good fighters.