Manny Pacquiao Tinuring na Fighter of the Decade

Manny Pacquiao - Fighter of the Decade

Manny Pacquiao - Fighter of the Decade

Ang sikat na pinoy na boksingero na si Manny “Pacman” Pacquiao ay tinaguriang “Fighter of the Decade” (2000-2009) ng Boxing Writers Association of America (BWAA). Ang karangalan na’to ay nadagdag sa listahan ng karangalan ni Pacquiao at ni hindi man lamang umubra ang mga matutunog na pangalan sa larangan ng boksing na sina Joe Calzaghe, Bernard Hopkins, Floyd Mayweather Jr., Shane Mosley, Juan Manuel Marquez at Marco Antonio Barrera.

Pangungunahan ni Pacquiao ang pagtanggap ang mga honorees na inimbitahan para tanggapin ang awards sa ika-11 ng Hunyo sa New York kasabay ng 85th annual banquet ng BWAA. Sa pagkakataon ding yon ay tatanggap muli siya ng Sugar Ray Robinson trophy. Sa loob ng apat na taon ay ikatlong pagkakaton siyang nakatanggap ng nasabing trophy.

Sa gayong ding okasyon ay tatanggap din si Freddie Roach ng Futch award bilang trainer of the year. Nanalo rin siya noong 2003, 2006 at 2008. Mula 2001 ay nasa likod na ni Pacquiao si Roach at itinuturing na mahala­gang haligi sa tagumpay ng boksingero.