Manny at Jinkee Pacquiao sa Araw ng Mga Puso

Manny at Jinkee Pacquiao

Manny at Jinkee Pacquiao

Marahil ay nagtataka kayo kung ano kaya ang gagawin ng Pinoy boxing idol natin na si Manny “Pacman” Pacquiao sa darating na araw ng mga puso. Patuloy kaya siyang magsasanay para sa laban ni kay Joshua Clottey o magsasaya? Eto ang kasagutan. Alam niyo ba na ang kanyang pinakamamahal na asawa na si Jinkee Pacquiao ay lumipad patungong Los Angeles sa Amerika upang makasama niya si Pacman sa darating na Valentines Day.

Kasama ni Jinkee sa pagpunta sa Amerika ang kanyang kakambal na kapatid na si Janet.

Sinasabing magba-Valentines ang mag-asawa sa California subalit wala pa silang maliwanag na plano. Napabalita din na magkakaroon si Manny “Pacman” Pacquiao ng espesyal na Valentines show ngayong linggo.

Si Pacquiao ay nasa Amerika ngayon at nagsasanay para sa kanyang nararating na laban upang depensahan niya ang kanyang welterweight title laban kay Joshua Clottey sa darating na ika-13 ng Marso ngayong taon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dedepensahan ni Manny ang kanyang ika-7 titutlo sa boksing.