Maligayang Bati sa Lahat Mula sa Laganap

Barong ng PinoyIsang magandang araw sa lahat ng mga Pilipino na makakabasa ng mga panulat na ito. Kung hinahanap nyo ang mga layunin ng website na ito, maari lamang pong basahin ninyo ang pahinang ito. Ito ang kaunaunahan kong katha dito sa Laganap.com. Nais kong simulan ang likha kong ito ng isang pagpupugay sa mga Pilipinong patuloy na nagbibigay ng karangalan sa ating bansa at walang sawang gumagawa ng paraan para maibangon ang lugmok na kalagayan ng Pilipinas. Ako ay nagagalak na marami pa ring pinoy na patuloy na nangangarap at hindi tumatalikod sa lupang sinilangan. Marahil ang kanilang pagmamahal sa bansa ay patuloy pa ring nanalaytay sa kanilang dugo at hindi mawawaksi ng kahit ano mang pagsubok o problema mang dumadaan. Sana lang ay huwag mawalan ng pag-asa ang nakakarami at patuloy pa ring mangarap sa isang magandang umagang hinaharap. Sa mga kadahilanang ito mabubuo ang mga panulat na matutunghayan ninyo sa Laganap.com.

Kung nais ninyong maipahayag ang damdamin o saloobin ninyo tungkol sa ano mang isyu, karangalan o problema, maari po lamang ipadala ang inyong liham sa admin @ laganap.com o kaya ay iwan ninyo ang mga puna sa pamamagitan ng pagpunan sa mga forms na nasa ilalim.

Maraming salamat po at maligayang bati sa lahat.  Balik po kayo para sa maraming impormasyon patungkol sa “Sikat ang Pinoy sa Laganap.com.”

Mabuhay tayong lahat!

Pahabol: Para sa mga gustong suportahan ang layunin at adhikain ng Laganap.com, maaring ilagay ang mga sumusunod na code sa inyong mga blog, Facebook, Friendster, Tagged o kahit ano mang website na pag-aari ninyo.

<a href="http://www.laganap.com">Sikat ang Pinoy</a>! Palaganapin na, Ngayon na.

Tags:

About the Author