Listahan Ng Mga Kandidato Sa Eleksyon 2010 Inilabas Na

Election 2010

Eleksyon 2010

Kahapon ay ipinalabas na ng COMELEC (Commission on Election) ang final list ng mga kakandidato para sa national election sa darating na ika-10 ng Mayo. Sampung kandidato para sa pagkapresidente, walo para sa bise at 62 para sa senador na posisyon ang nakatala sa nasabing En Banc Resolution No. 8743.

Ito na ang sinasabing final list sa kadahilanang hindi na makakahabol ang mga ilang kandidato sapagkat natapos na ang pagdinig sa mga motion for reconsiderations (MR), ayon sa COMELEC.

Ang mga presidentiables na nabilang sa opisyal na sampung kandidato ay sina:

  1. Benigno Aquino (Liberal Party)
  2. Eddie Villanueva (Bangon Pilipinas)
  3. Gilbert Teodoro (Lakas KAMPI-CMD)
  4. Jamby Madrigal (Independent)
  5. JC Delos Reyes (Ang Kapatiran)
  6. Joseph Estrada (UNO-PMP)
  7. Manny Villar (Nacionalista Party)
  8. Nicanor Perlas
  9. Richard Gordon (Bagumbayan)
  10. Vetallano Acosta

Samantala, hindi naman pinalad na pumasok ang mga presidential aspirants na sina dating Manila Rep. Mark ‘MJ’ Jimenez, Atty. Oliver Lozano at Elly Pamatong sapagkat ayon sa COMELEC, sila ay hindi nakitaan ng sinseridad at kumpletong package.