
Bakbakang Pacquiao - Clottey Malapit na!
Talaga namang nakakasabik na ang nalalapit na laban nina Manny “Pacman” Pacquiao at ni Joshua Clottey na gaganapin sa Cowboys Stadium, Arlington Texas ngayong linggo ika-14 ng Marso (Marso a-trese sa US). Ang nasabing bakbakan ay kauna-unahang pagdepensa ni Pacquiao sa kanyang Welterweight title na nakuha niya ng maglaban sila ni Miguel Cotto noong nakaraang taon. Ang inaasahan sanang laban na magaganap kaysa sa Pacquiao vs. Clottey na laban ay ang ang Mayweather vs. Pacquiao. Sa kadahilanang hindi nagkasundo ang dalawang kampo nina Pacman at ng amerikanong boksingero sa paraan ng pagkuha ng dugo para sa kakaibang drug test, hindi natuloy ang laban at sa halip ay si Clottey ang nabigyan ng pagkakataon na hamunin si Pacman.
Ngayon ay marami ang nagsasabi na hindi talaga nararapat na makalaban niya ang Ghana na native dahil siguradong patutulugin niya to. Subalit sinabi ni Pacquiao na mahihirapan siya kay Clottey dahil siguradong mabibigat ang mga suntok nito kung pagbabasehan mo ang kanyang mga nakaraang away. Si Freddie Roach, ang matagal ng trainer ni Manny ay nagsabing mapapatumba ni Manny si Joshua sa ika-9 na round.
Kung ako hayaan na lang natin na ang ring at ang boxing gloves ang magdesisyon kung sino ang nararapat na manalo sa away na’to. Siyempre ang susuportahan ko ang sariling atin. Go Pacquiao.
Para sa mga gustong manood ng laban, Watch Pacquiao vs. Clottey Live sa mga sumusunod na website:
- WatchPacquiao.info
- Watch Pacquiao vs. Clottey at Bleuken.com
- WatchBoxing.info
- Telepisodes.com
- PinoyGigs.com
- o kung hindi naman pumunta sa pinakamalapit na gym o plaza, siguradong ang mga politiko sa bayan niyo ay may nakalaang libreng wide screen coverage ng nasabing laban. Yun diba ang laging ginagawa sa Pilipinas?
