Karaniwang Paniniwala ng Pinoy sa Bagong Taon

Bagong Taon ng Pinoy

Bagong Taon ng Pinoy - Imahe mula sa PinoySports.ph

Magbabagong taon na naman at siguradong lalabas na naman ang iba’t-ibang paniniwala ng mga pinoy sa araw na ito. Ang mga kaugalian o paniniwalang ito ay karaniwan na lamang sa bawat pinoy. Mula pa pagmulat ng aking mga mata ay nasilayan ko na ang ganitong paniniwala. Ang mga sumusunod ay iilan lamang na ginagawa nila sa araw ng pagpapalit ng taon.

  1. Pagtalon – May mga naniniwala na ang pagtalon sa bagong taon ay makapagpapataas .
  2. Pagsuot ng mga damit na may bilog – Marami ang naniniwala na masuwerte sa pera ang pagsuot ng ganitong kasuotan.
  3. Paghahanda ng bilog na mga prutas sa hapag kainan – Ito daw ay makakahatak ng suwerte na halos katulad din ng pagsuot ng kadamitang may bilog.
  4. Pagbubukas ng mga pinto at bintana - Ito raw ay para makapasok ang suwerte.
  5. Pagpapaputok ng labintador at iba pang klase ng paputok – Para daw ito ay maitaboy ang mga masasamang ispirito.

Ikaw/kayo, mambabasa ng Sikat ang Pinoy, ano ang mga paniniwala mo sa bagong taon na sa tingin mo ay sikat lamang sa mga pinoy? Iwan mo ang iyong reaksyon sa pamamagitan ng form na nasa ibaba.