Kantang Pinoy Ngayong Pasko: Pasko na Sinta Ko

Nag-umpisa na ang simbang gabi at dama na ang lamig ng ihip ng hangin sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Lahat ay may mga ngiti sa kanilang mga labi at ramdam ang init na dating ng kapaskuhan. Kada pasko ay may isang awitin akong naririnig. Awiting ilang taon ng nagsimulang pumahimpapawid at lagi kong nadidinig sa mga radyo at napapanood sa mga TV. Ang kantang ito ay ang Pasko na Sinta ko na ang tema ay isang kantang medyo malungkot ngunit nagpapahiwatig ng diwa ng pasko sa bawat isa. Halos lahat yata ng mga pinoy sa buong mundo ay kilala ang awiting ito.

Eto ang kantang Pasko na Sinta Ko mula kay Gary Valenciano:

Para sa’yo ano sa tingin mo ang pinakamagandang awitin na nadidinig mo kada pasko at sa tingin mong sikat para sa mga Pinoy?