Jabbawockeez Nasa Pinas

Ang Sikat Na Jabbawockeez

Ang Sikat Na Jabbawockeez

Ang Jabbawockeez na binubuo ng mga magagaling na mananayaw kabilang ang apat na pinoy na kung saan ay nagwagi ng 2007′s America’s Best Dance Crew, ay nasa Manila ngayon at mananatili sa Pilipinas ng dalawang buwan. Sinundo kanina ang mga nasabing sikat na mananayaw sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) ng mga sumisigaw na fans kaninang alas-6 ng umaga galing sa Los Angeles.

Ang grupo na sikat sa kanilang mime at kabuki style na sayaw, ay magiging bahagi sa concert na nagwaging Americal Idol Season 8 na si Kris Allen sa Boyce Avenue sa McKinley Hills Concert Grounds sa Makati City on ika-6 ng Marso.

Si Chris Gatdula, isa sa apat na pinoy Jabbawockeez ay nagsabi sa mga reporters na sila ay pipirma ng kontrata sa ABS-CBN ngayong gabi ng alas-7 ng Biyernes at inaasahan na sila ay magsasayaw sa ASAP ngayon linggo.

Inaasahan na mananatili ang grupo ng 2 buwan sa Pilipinas at magkakaroon ng TV Shows sa Kapamilya channel.

Ito nga pala ang mga koleksyon ng mga sikat na sayaw ng grupo:

About the Author