Emmanuel Bagual Bagong Bayaning Pinoy

Emmanuel Baguyo at M.Y. Rights

Emmanuel Bagual at M.Y. Rights

Maliban sa kaunaunahang CNN Hero na si Efren Peñaflorida, may isang batang pinoy ang itinuturing na bayani ng bansa dahil sa kanyang natatanging kontribusyon sa karapatang pantao ng mga bata. Siya ay si Emmanuel “Eman” Bagual labing-anim na taong gulang (16 y.o.) na isa sa naging finalist ng Nobel Peace Prize Awards for Children’s Rights. Dating naging biktima ng child labor sa bansa si Eman subalit nagbago ang lahat na ito ng sumali siya sa Club 8586 Inc. noong 2007 na itinatatag ni Bonn Manalaysay. Sa kapanahunan niya sa grupong ito ay itinatag niya ang M.Y Rights (Mind Your Rights) na kung saan ay naglalayong magbigay kaalaman sa mga bata at mga magulang tungkol sa karapatan at pribilehiyo ng mga bata. Nililibot niya ang iba’t-ibang pampublikong pampaaralan upang ipalaganap ang mga impormasyon patungkol sa karapatang pantao ng mga bata.

Kahit na hindi niya nakamit ang pinakamataas na karangalan sa Nobel Peace Award, ang mapabilang sa linya ng mga bayani sa buong mundo ay isang napakalaking karangalan para sa bansa at sa tingin ko ay tunay ngang bayani ang batang ito. Kung ganito lamang ang pag-iisip ng mga bata sa buong Pilipinas, kay ganda siguro ng patutunguhan ng bansa sa hinaharap.