
Efren "Bata" Reyes, 10-Ball Champion
Ang sikat na pool master na si Efren “Bata” Reyes ay muli namang humakot ng karangalan (at dolyar) sa katatapos lamang na FatBoy 10-Ball Challenge sa Indiana sa Estados Unidos. Kanyang pinakita ang kanyang kakaibang talento sa larangan ng bilyar laban kay Brandon Shuff. Si Reyes na tinaguriang “The Magician” ay nag-uwi ng $6,500 mahigit P300,000. Samantalang ang kanyang katunggali ay umiwi lamang ng $3,250.
Naglaro ang pinoy na master sa ilalim ng banner ng Puyat Sports.
Sa kanyang pagpunta sa finals ay natalo niya ang mga international at sikat na manlalaro na galing US na sina Johnny “alakdan” Arche at yun nga ang huli ay si Schuff.
Samantala, sa Derby City Classic, One Pocket-division, dating numero uno sa buong mundo na si Francisco “Django” Bustamante, ay nagtapos ng ikatlong puwesto at nakakuha ng $ 2,500 bilang premyo.
At mga karangalan na nakamit ng Filipinong ito ay magpapatunay lamang ang pagiging world class ng mga kakayahan ng ating mga manlalaro. Sadyang sikat ang pinoy kahit saan at kahit kailanman.