
Efren "Bata Reyes" at Rubilyn Amit
Isa na namang napakalaking karangalan ang dinala ng dalawang Pilipinong manlalaro ng bilyar sa Pilipinas. Si Efren “Bata” Reyes at Rubiliyn Amit ay nagtagumpay sa 10-ball World Mixed Double nung nakaraan ng Huwebes ng gabi (Dec. 3) sa Novu City sa Libis, Lungsod ng Quezon laban sa koponan na nagmula sa bansang Korea. Natapos ang laro sa iskor na 9-7 pabor sa mga pinoy billiard masters. Ang mga iba pang bansang lumahok sa paligsahan na ito ay ang Japan, USA at ang Europe.
Isa lamang ito sa mga maraming mga karangalang na nakamit ni Efren Reyes. Ngayong taon ay nanalo din sya sa isang paligsahang halos katulad ng nabanggit ngunit si Django Bustamante ang kanyang kasama dito.
Ang bilyar o pool ay isa sa mga isports na kung saan ang Pilipinas ay namamayagpag. Marami sa mga pinoy na manlalaro ang sumikat sa ganitong isports kabilang na sina Ronnie Alcano, Django Bustamante at Efren Reyes.