Edwin Valero Hinahamon si Manny Pacquiao

Valero Laban Kay Pacquiao?

Valero Laban Kay Pacquiao?

Hindi pa natatapos ang laban ng pinoy na kampeon na si Manny Pacquiao kay Joshua Clottey ay may bago namang nasisilat na makakalaban ang mga boxing analysts at fans ng sikat na boksingero. Ang tinaguriang “bad boy” ng boksing  na si Edwin Valero ng Venezuela  na may perpektong rekord na 27-0, 27 KOs ay hinahamon si Pacman. Sinasabing nais ni Valero na idagdag ang 7-world title holder sa kanyang listahan ng pinatumbang kalaban. Na kung saan ang huling biktima niya ay ang batang si DeMarco na natalo niya kahapon lamang para sa WBC lightweight belt.

Kailangan ni Valero na umakyat ng ilang weight category upang maabot si Pacquiao sa kanyang kinalalagyan. Subalit sa kabila ng kanyang interest na masabak sa “elite” na kalagayan ng People’s champ ay maraming mga balakid na kailangang isa-alang-alang ng Venezuelan boxer.

Isa na dito ang pagkaka-ban niya sa pagsabak sa ring sa US dahil sa pagdeny ng bansa ng VISA dahil sa maraming kadahilanan katulad ng drunk-driving charges niya sa Texas at hindi pagkapasa sa New York prefight exam na nagpataw ng indefinite suspension sa manlalaro.

Sayang subalit kailangang mabigyang solusyon muna ni Valero ang ganitong mga balakid bago niya hangarin ang “ulo” ng Pinoy na kampeon.

Kung nais mo matunghayan ang kakayahan ni Valero, eto ang huling laban niya na kung saan ay nagpapakita ng pagsuko ng kanyang kalaban sa mga pag-ulan ng kanyang pag-atake.

About the Author