Donaire Wagi, Morales at Peñalosa Hindi Pinalad sa Pinoy Power 3

Pinoy Power 3: Donaire Wagi

Pinoy Power 3: Donaire Wagi

Wagi na naman si Nonito Donaire Jr. laban kay Manuel Vargas upang manatili sa kanyang trono sa super flyweight title. Napatumba niya si Vargas sa ikatlong round sa pamamagitan ng magkapatid na left and right hook. Sinasabing maaring umakyat ng timbang ang Filipino flash upang sumunod sa yapak ni Manny “Pacman” Pacquiao. Samantala, hindi naman pinalad sina Ciso Morales at Gerry Peñalosa na matalo ang mga Puerto Rican na mga kalaban. Si Ciso Morales ay natumba mga ilang segundo ng pag-umpisa ng unang round ng tamaan at mapuruhan siya sa sikmura ng kalaban niyang bantamweight na kampeon na si Fernando Montiel. Ito ay malaking kasawian sa batang pinoy na boksingero.

Samantala naman ay natalo si Gerry Peñalosa sa split decision laban sa beteranong boskingero na si Eric Morel upang mabigong makamit ang pagkakataon na lumaban kay Fernando Montiel para sa championship title. Maraming naniniwala na panalo sana si Gerry subalit iyun na ang naging desisyon ng mga hurado. Maging si Pacquiao ay nagkomento sa desisyong ito.

Sa huli ay panalo pa rin ang mga Pinoy laban sa Latino sa score na 3-2. Lamang ng isang puntos lamang ang mga Filipino at siguradong may susunod pa ‘to.

Mabuhay ang mga pinoy! – Watch Boxing Online