Dalawang Pinoy Panalo sa Debate ng CNN/Youtube

Orioste at Garilao

Orioste at Garilao

Kamakailan-lamang ay dalawang pinoy na kapwa nagtapos sa Dela Salle University-Manila (DLSU-M) ang nanalo sa debate na pinasinayaan ng CNN at Youtube. Sila sina Paul Darwynn Garilao at Alfonso Orioste Jr. Ang paligsahang ito na ini-sponsor ng CNN at Youtube ay may tema tungkol sa “climate change” at naglalayong bigyang kaalaman ang mundo sa patuloy na pagbabago ng panahon at epekto nito sa pamumuhay ng mga tao. Ang dalawang pinoy na ito ay sinuportahan ng mga taong sumuporta din kay Efren Peñaflorida sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng video gamit ang iba’t-ibang social media websites katulad ng Facebook.

Dito mo lamang makikita ang tunay na “bayanihan” ng mga Pilipino sa panahon na kailangang bigyang karangalan ang kapwa pinoy. Saludo kami mula sa Laganap.com kina Garilao at Orioste sa pagiging bahagi ng pagbabago at paghubog sa mga kabataan sa Pilipinas at buong mundo. Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa pangangalaga ng kalikasan ay sadyang kailangan ng lahat. Mabuhay kayo!

Ang sumusunod ang video na ginawa ng dalawang ito kaugnay sa kompetisyong ito: