Cpl. David Catacutan Pinoy na Nailigtas, Tutulong sa Haiti

Haiti Earthquake victims

Biktima ng Lindol sa Haiti

Ang nangyaring lindol sa bansang Haiti ay isang napakalungkot na pangyayari sa kasaysayan ng mundo. Marami ang nasawi at patuloy pa rin ang paghahanap na mga naiwang maaring survivor sa nasabing trahedya. Sa pangyayaring ito ay matutunghayan mo ang kabayanihan ng pinoy sa kabila ng ganito kalamidad.

Ang aking tinutukoy ay si Cpl. David Catacutan, isang pinoy na miyembro ng 10th Philippine Contingent sa Haiti. Napabalitang siya ay natrap sa loob ng Montana Hotel sa Port-au-Prince, kapital ng Haitian at nailigtas ng kamakailan lamang. Kahit sa ganitong nakapanlulumong karanasan ay nagdesisyon pa rin siyang tumulong sa mga biktima ng nasabing lindol. Isipin mo ba naman ng ilang oras lang ang nakalipas mula ng siya ay makuha mula sa ilalim kung saan siya natrap at maampatan ng kaukulang lunas ang kanyang mga sugat ay agad-agad siyang sumama sa kanyang mga kapwa sundalo at nag-umpisang tumulong sa paghahanap ng mga survivors.

Hindi lamang si Cpl. David Catacutan ang may ganitong uri ng dedikasyon para tumulong sa iba. Halos lahat ng mga sundalong pinoy ay may ganito ring determinasyon at walang halong pag-iimbot sa pagbibigay ng tulong sa bawat biktima.

Mabuhay kayo mga makabagong bayani! Ipagpatuloy lamang niyo ang ganitong gawain. Isa lamang itong patunay na talagang sikat ang pinoy!