Chihiro Ikeda Karangalan sa Golf

Chihiro Ikeda - Pinay Golfer

Chihiro Ikeda - Pinay Golfer

Kilala niyo ba si Chihiro Ikeda? Siya ay isa sa mga delegadong pinoy na nagbigay ng ginto sa Pilipinas sa katatapos lamang na SEA Games sa Laos sa larangan ng golf. Si Ikeda ang nagbigay daan upang makilalang muli ang Pilipinas sa larong golf. Sa kanyang mga nakamit marami sa kanyang malalapit na tao ang nagsasabi na handa na siyang isabak sa darating na Asian games. Kumpiyansa ang coach ng pambansang koponan ng golf na si Bong Lopez na handa na ang Pilipinas na sumabak sa susunod na taon para sa Asian games at makasungkit ng ginto. Kabilang dito si Ikeda na bumubuo ng koponan kasama ang ilang mga batikan at kilalang manlalaro ng golf na sina Dottie Ardina, Mia Piccio, Sarah Ababa at Louise Manalo.

Sa kanyang tagumpay at ng kanyang mga kasamang pinay golfer ay nagpapatotoo lamang sa pagiging bihasa ng mga pinoy sa ano mang klase ng isports sa buong mundo. Ipagpatuloy niyo lamang ito at bigyang karangalan ang bansa. Mabuhay kayo!