Charlie Green sa Viva
Ang batang Pinoy at British na si Charlie Green ay pumirma ng 2 taon sa Viva Records kahapon ng Martes. Ang dose anyos na batang international na mang-aawit ay magtatrabaho sa team ng Viva at kay Christian De Walden na isang international na komposer.
Maligayang maligaya si Green na nabigyan siya ng pagkakataon na makasama sa trabaho sina Christian De Walden, Boss Vic Del Rosario Jr. at ang buong grupo ng Viva. Ang kanyang ama na si Roger ang sumama sa kanya ng magpirmahan sila ng kontrata.
Mag-uumpisang mag-record ng kanyang kaunaunahang album sa ika-13 ng Pebrero na kung saan ay maglalaman ng 12 hanggang 13 awitin. Dalawa dito ay orihinal na komposisyon samantalang ang iba ay mga pinoy classics.
Kung inyong matatandaan si Charlie Green ay unang nakilala at sumikat sa isang patimpalak sa abroad na “Britain Got Talent (BGT).” Popular siya sa pagkakaron ng classical na klase ng boses.
