Charice sa Italy, Nagpakitang Gilas

Charice Pempengo, IO Canto, Milan, Italy

Charice Pempengo at si Christian Imparato

Sa ikatlong pagkakataon, si Charice Pempengco ay pumunta ng Italy upang kumanta sa IO Canto (I Sing), isang sikat na paligsahan sa pagkanta sa Europa. Ang nasabing pagkanta ni Charice ay na-broadcast ng live sa Milan, Italy noong ika-23 ng Enero.

Sa nasabing okasyon ay kumanta siya ng “Adagio” kasama si Cristian Imparato, isa sa mga kalahok ng nasabing patimpalak. Sadyang humanga ang mga manonood sa kakaibang hatak ng tinig ng nasabing batang sikat na pinay na international na mang-aawit.

Kung ma-aalala niyo, si Charice ay unang pumunta sa bansang Italy, noon Hulyo ng 2008 ng personal siyang anyayahan ng mang-aawit na si Andrea Bocelli upang mag-perform kasama niya. Samantalang noong nakaraang taon ng Mayo ay bumalik siyang muli at nakamit ang papuri ng mga Italyano sa kanyang pag-perform sa isang variety show na pinamagatang “Ti lascio una canzone (I’m Leaving a Song for You).”

Sa nasabing kaganapan ay bumirit muli si Charice ng mga awiting nagpakilala sa kanya sa buong mundo kabilang ang “I will always love you”, “I have nothing” at ang kanyang bagong awitin na “Note to God.”

Kung nais niyong matunghayan ang nasabing performance ay panoorin sa sumusunod na video:

About the Author