Brian Viloria Laban Kay Carlos Tamara Malapit Na!

Sikat ang Pinoy: Brian Viloria

Sikat ang Pinoy: Brian Viloria

Isa na namang Pinoy na boksingero ang makikipagbakbakan upang idepensa ang kanyang titulo. Si Brian Viloria – ang kasalukuyang humahawak ng titulo ng IBF Light Flyweight ay lalaban kay Carlos Tamara ng Colombia sa darating ng Sabado, ika-23 ng Enero sa Cuneta Astrodome, Pasay City. Ang nasabing laban ay tinaguriang “Brian Viloria vs. Carlos Tamara: Collission Course.”

Sa labang ito, sinasabing mahihirapan si Viloria sa kabila ng “height and reach advantage” ng kanyang katunggali. Isa pa ay kilala si Tamara sa pagiging defensive na kung saan ay hindi nakikipagbakbakan ng sabayan na kung saan ay hindi nababagay sa istilo niya.

Sa kabila nito, inaasahan pa rin ng marami na lulutang pa ring kampeon ang pangalan ng pinoy na boksingero. Siguradong sisikat na namang muli ang pangalan niya pagkatapos ng laban na ito at mapapatunayan niya na hindi lamang si Pacquiao ang kayang makapagbigay ng karangalan sa buong Pilipinas.

Palarin ka sana Brian “The Hawaiian Puncher” Viloria at bigyan ng kaukulang sikat ang pinoy.