Pinoy Power 3 (Boksing)
Panalo ang ating pinoy na boksingero na si Bernabe Concepcion sa 10-round na laban niya sa Pinoy Power 3 / Latin Fury 13 ngayong araw. Pumanig ang lahat ng mga judges ng nasabing laban kay Concepcion pagkatapos na magtala siya ng halos lahat ng puntos sa bawat round ng laban. Tinalo niya ang kanyang kalaban na si Mario Santiago ng Puerto Rico. Ang nasabing laban ay walang titulo subalit ito ay kanyang daan para makalaban sa Juan Manuel Lopez (28-0 25KOs) para sa world champion title.
Sadyang matibay ang kanyang kalaban subalit napatumba niya to sa maagang round. Kahit na nakabawi pa si Santiago ay patuloy pa ring dominahin ang lahat ng round. Talagang umaatikabong bakbakan ang nangyari at makikita mo ang bunga na kanyang pagsisikap. Pagkatapos ng panalo na ito ay inaasahan na ng marami ang paglalapit ng labang Juan Manuel Lopez vs. Bernabe Concepcion.
Sa kasalukuyan ay nakikipaglaban pa ang ibang pinoypara sa karangalan ng bansang Pilipinas sa larangan ng boksing.
Mabuhay ka Bernabe! Sikat Ang Pinoy!