Balitang Pacquiao vs Clottey: Joshua Clottey Puspusan na Ang Ensayo!

Joshua Clottey

Joshua Clottey

Ang Ghana native na si Joshua Clottey na makakalaban ng pinoy boxing superstar na si Manny “Pacman” Pacquiao ay puspusan na ang ensayo bilang paghahanda sa nalalapit na Pacquiao vs. Clottey “The Event” na kung saan ay gaganapin sa ika-13 ng Marso (ika-14 ng Marso sa Pilipinas). Kanyang ipinahayag sa isang interview na inaamin niya na talagang magaling si Pacquiao at siguradong mahihirapan siya sa pakikipaglaban dito. Sinabi din niya na isa si Pacman sa mga idolo niyang boksingero.

Sa kabila nito ay sinabi niya pa rin na kaya niyang makipagsabayan sa lakas ng pinoy na’to at kaya niyang matalo ito. Ang kanyang pagsasanay ay masasabing isa sa dahilan kung bakit maaring niyang magbigay ng mahirap na bakbakan.

Ang Pacquiao vs. Clottey ay gaganapin sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas at mapapanood ng live sa HBO channel. Sa kasalukyan ay hindi pa inihahayag sa Pilipinas kung anong channel (GMA 7 o ABS-CBN) ang magko-cover ng nasabing laban.