“Balita” ni Gloc 9 at Urban Dub

Habang naghahanap ako ng mga panoorin mula sa Youtube, nakita ko ang isang MTV ng isang rapper na nagngangalang Gloc 9. Ang kanyang modernong pagbabalagtasan at pag-awit ng Urban Dub ng orihinal na Asin na awiting pinamagatang “Balita” ay sadyang kakaiba subalit ang bawat titik at salitang binibitawan ng Pinoy na ito ay nanunuot sa kaibuturan ng aking pagiging Pilipino. Nabahiran man ng modernong tunog ang kanta, ang pahiwatig at nilalaman naman nito ay hindi pa rin nawawala.

Sana ay panoorin nyo ang sinasabing kanta mula sa Youtube.com:

Iba talaga ang pinoy!