Si Armand Serrano ay ang nasa likod ng paguhit ng mga pelikulang tulad ng Mulan, Lilo and Stitch, Brother Bear, Tarzan, at Surf’s Up. Ito ang mga pelikulang hango sa mahusay na pag-guhit ng isang Pinoy na dapat nating ikarangal dahil sa matagumpay na pagpasok nito sa animation studios sa Amerika.
Ani niya Armand, bata pa lang siya ay hiliig na niya ang mga guhit. Naging malaking impluwensya niya ang kanyang nakakatandang kapatid na mahilig din sa pagguhit at pagpipinta na siya namang nagamit niya sa kanyang karera.
Nang makapagtapos ng kolehiyo, sinubukan niya na gamitin ang kanyang napag-aralan ng ilang buwan. Ngunit malakas talaga ang tawag ng kanyang first love, ang pagguhit – kaya nagpalit siya ng propesyon at nagtrabaho sa Fil Cartoons, Inc. noong 1990. Mula sa Maynila ang Fil-Cartoons, Inc. ay subsidiary studio ng Hana-Barbera Studio at dito niya nahasa ang husay nya sa modernong pagguhit ng “cartoon characters” na mas kilala sa tawag na “animation.”
Sa nasabing studio niya rin nakasama siya pagtatrabaho sa ilang cartoon shows gaya ng Johnny Quest, Addams Family, Tom and Jerry Kids, at Yogi Bear.
Matapos ang tatlong taon, lumipat siya sa Philippine Animation Studio at pinangasiwaan niya ang layout department ng Marvel overseas production ng Fantastic Four, X-Men, at music video ng “Prince.” Likas kay Armand ang pagkahilig niya sa kanyang karera na nagtutulak sa kanya upang mamangha parin siya sa mga pambatang pelikula.
Nakahiligan din niya ang mga epikong pelikula tulad ng “Gods and Generals” at “The Lord of the Rings.” Taglay din niya ang pagiging environmentalist at kaagapay niya ang sariling krusada sa pagpapahalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng kanyang mga guhit at proyekto. – Nag-uulat Kyle ng Laganap.com.

tulad nga ng kasabihan kung ano ang nilalaman ng puso mo sundin mo. sa halip na pagsisihan kung ano man ang mangyaring maidulot nito ay mas kina-kailangan pang paghusayin at pagsikapang maipunyagi ang nasimulang plano.